-- Advertisements --
Nagbitiw na sa kaniyang puwesto si Kyrgyz President Sooronbay Jeenbekov.
Ito ay matapos ang ilang araw na kilos protesta dahil umano sa alegasyon ng dayaan.
Sinabi nito na ayaw niyang mapabilang sa kasaysayan ng bansa na pangulo na may maraming dumanak na dugo at pinagbabaril ang mga mamamayan.
Nagkaroon kasi ng malawakang kilos protesta sa Kyrgyzstan pagkatapos ng parliamentary elections noong Oktubre 4.
Dahil sa pangyayari ay napilitan ang mga electoral officials na ipasawalang bisa ang halalan.
Naging pangatlong pangulo ng Central Asian state si Jeenbekov mula ng humiwalay ito sa Soviet Union noong 1991.
Nanawagan na lamang ito sa mga kababayan ng kapayapaan at tigilan na ang kaguluhan.