-- Advertisements --

Umatras na sa paglalaro ng Australian Open ang home favorite tennis star na si Nick Kyrgios.

Kinumpirma ito ng tournament director dahil umano sa injury sa kaniyang tuhod.

Sinabi naman ng 27-anyos na si Kyrgios na labis siyang dismayado dahil sa hindi paglalaro sa grand slam event.

Paglilinaw naman ng kaniyang physiotherapist na si Will Maher na kailangan ng ilang linggo bago ito makapaglaro na maari sa mga susunod na torneo na.

Nakatakda sana nitong makaharap si Roman Safiullin sa unang round at dahil sa pangyayari ay papalitan siya ni Denis Kudla ng US.