-- Advertisements --

Kinansela ni Kyline Alcantara ang plano nitong magarbong 18th birthday celebration dahil sa coronavirus pandemic.

Ayon sa actress, kumpleto ang nasabing plano kung saan nakapag-book na ito sa hotel kung saan gaganapin ang debut at nakapag-downpayment na.

Dagdag pa nito na di niya inaasahan na magtutuloy-tuloy pa rin ang nasabing pandemic ngayong Setyembre.

Tinanggap na lamang nito na hindi na matutuloy ang kaniyang debut at siya ay nag-move on na.