Masayang ibinalita ni Kylie Padilla na isinilang na nito ang pangalawang baby nila ng asawa at kapwa artistang si Aljur Abrenica.

Kahapon ng madaling araw nang manganak ang 26-year-old actress sa bouncing baby boy na pinangalanang Axl Romeo.

“He is loved, he is cherished and he has one strong suck just like his Kuya,” ani Padilla.

Una nang inamin ni Kylie na noong una ay inakala nila ng 29-year-old actor na babae na ang kanilang second baby dahil mas emosyunal siya kompara sa pagbubuntis noon sa kanilang first born.

Sa ngayon ay magda-dalawang taon gulang pa lamang si Alas Joaquin.

Kung maaalala, nagkaroon ng tampuhan si Kylie at ama nitong tinaguriang “Bad Boy in Philippine Showbiz” na si Robin Padilla dahil hindi nasunod ang request na magpakasal na sila ni Abrenica noong kasagsagan ng kanyang pagbubuntis.

Pero tatlong buwan matapos manganak ni Kylie noong August 2017, kinarga na ni Binoe si baby Alas.