Reading Time: 1 minute
noah and max

LOUISIANA – Patok sa kanilang komunidad ang gimik ng binatilyong si Noah Tingle, 17, para sa kaniyang bunsong kapatid.

Nakagawian na kasi ni Noah na biruin ang nakababatang si Max, sa tuwing umuuwi ito galing sa paaralan.

Humihinto kasi ang school bus ni Max sa harapan mismo ng kanilang tahanan.

Nahihiya kasi ang 12-anyos na bunso dahil sa nagmumukha raw siyang “baby” sa ginagawa ng kaniyang kuya.

Pero ipinagpatuloy ni Noah ang biro at nagsuot pa ng sari-saring costume.

Nasaksihan naman ng mga kapit-bahay ang nakatutuwang pagsalubong ng kuya sa kaniyang bunsong kapatid kaya may mga kumuha ng video.

Kalaunan, may mga nag-donate pa ng costume para magamit ni Noah sa kaniyang gimik.

Kwento ng binatilyo, sinasamantala lamang niya ang panahong magkasama sila ni Max dahil papasok na siya sa kolehiyo sa susunod na pasukan at magiging madalang na ang kanilang pagkikita. (CBS)