Inilabas na ng organizers ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang apat na natiitrang pelikula na kukumpleto para sa walong feature film.
Kinabibilangan ito ng pelikulang “Deleter” mula sa Viva Films at director Mikhail Red; “Family Matter” mula sa Cineko Productions at mga director na sina Enrico Roque, Ladylyn de Guzman at Patric Meneses; “Mamasapano: Now It Can Be Told” mula sa Borracho Film Production at gawa ni Lester Dimaranan at ang pelikulang “My Father: Myself” ng 316 Media Network ni director Joel Lamangan.
Ang nasabing mga pelikula ay siyang kukumpleto sa unang apat na naianunsiyo na “Labyu With An Accent” at “Partners In Crime” na mula sa ABS-CBN Film Productions; “Nanahimik ang Gabi” mula sa Rein Entertainment at “My Teacher” mula sa Ten17P.
Pinangunahan ng beteranong director Boots Anson-Rodrigo ang pamimili ng mga pelikulang kalahok kung saan kabilang category ay 40 percent sa artistic excellence, 40 percent sa commercial appeal; 10 percent sa Filipino cultural values at 10 percent global appeal.
Ang 48th season ng MMFF ay mayroong temang “Balik Saya” kung saan sinabi nito na naging mahirap ang ginawa nitong desisyon sa pagpili ng mga pelikulang kalahok.
Ipapalabas ang nasabing pelikula mula Disyembre 25 hanggang Enero 7 sa iba’t-ibang sinehan sa bansa habang gaganapin ang parangal o “Gabi ng Parangal” sa Disyembre 27.