-- Advertisements --

Muling siniguro ng Department of Health (DOH) ang pangako ng gobyerno sa pagbibigay ng pantay na access sa lahat ng Pilipino para sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines.

Ito ay kasunod na rin ng inaprubahang prioritization criteria at listahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Ginawa ng kagawaran ang pahayag matapos ang pagkalat ng “unofficial draft” ng administrative order umano ng ahensya na nagpapakita sa ilang sections ng draft Implementing Rules and Regulation (IRR) ng Republic Act No. 11525 o ang COVID-19 Vaccination Law.

Paliwanag ng DOH ang development ng IRR ay alinsunod na rin sa principles of equal respect, national equity at legitimacy na makikita sa World Health Organization Strategic Advisory Group of Expert (WHO-SAGE) Values Framework.

Ang anumang probisyon na posibleng magdulot ng diskriminasyon sa anumang sektor ng populasyon upang magkaroon ng access sa COVID-19 vaccines ay hindi ikokonsidera bilang polisiya, guideline, protocol na inisyu ng gobyerno.

Ayon pa sa DoH, ang nilalaman ng draft IRR ay base sa rekomendasyon mula sa iba’t ibang stakeholders.

Sa tulong umano ng mga government agencies na binubuo ng Vaccine Clustern ng National Task Force against COVID-19, pinoproseso pa ng mga ito ang mga naturang probisyon alinsunod sa iba pang existing laws at guidelines.

Magugunita na ilang senador na ang nagpahayag ng kanilang pagtutol sa umano’y draft administrative order na humaharang sa mga manufacturers ng tobacco, asukal, breastmilk substitute at iba pang mag-import ng COVID-19 vaccines sa kanilang mga empleyado.