-- Advertisements --

Nakapagsumite na ng 105,000 na pirma ang kritiko ni Russian President Vladimir Putin na si Boris Nadezhin para sa pagtakbo nito bilang presidente ng bansa. 

Ipinasa ni Nadezhin ang mga pirma sa Central Election Commission sa Moscow at mayroon itong sampung araw para i-beripika ang mga pirma.

Lubos na nagpapasalamat ni Nadezhin sa mga taong naniniwala sa kanya at sa lahat ng pumila para lamang maibigay ang pirma upang makatakbo siya bilang presidente. 

Isa sa mga dahilan ng mga taga-suporta ni Nadezhin ay upang matigil na umano ang pag-atake ng Russia sa teritoryo ng Ukraine.

Matatandaan din na inanunsiyo ni Putin na muli siyang tatakbong presidente sa ikalimang pagkakataon.