Kaagad umingay sa social media ang Hollywood actress na si Kristen Stewart.

Ito’y matapos ianunsyo ng award winning director na si Pablo Larraín na ang 30-year-old actress ang pumasa sa kanyang taste para gumanap sa bagong biopic ni Princess Diana na papamagatang “Spencer” na hango sa kanyang apelyido sa pagkadalaga.

Ayon sa nasabing direktor, swak na swak ang acting skills ni Kristen sa script kung saan kailangan ang pinaghalong pagiging “very mysterious, very fragile yet very strong.”

“Kristen is one of the great actors around today,” saad umano ni Larraín sa trade publication na Deadline.

Dagdag nito, “To do this well, you need something very important in film, which is mystery. Kristen can be many things, and she can be very mysterious and very fragile an ultimately very strong as well, which is what we need. The combination of those elements made me think of her.”

“The way she responded to the script and how she is approaching the character, it’s very beautiful to see. I think she’s going to do something stunning and intriguing at the same time. She is this force of nature.”

Bilang patikim ng Chilean director, sinabi nito na hindi sesentro ang pelikula sa pagkamatay ng noo’y 36-anyos lang na Princess of Wales dahil sa 1997 car accident, kundi tatalakayin ang naging relasyon nito sa asawang si Prince Charles bagama’t nauwi sa divorce.

Princess Diana 2
screengrab from eonline

Aasahan din aniyang ipapakita sa biopic na target ipalabas sa susunod na taon, ang pagmamahal nito sa mga anak na sina Prince William at Prince Harry.

Si Stewart ay sumikat sa kanyang pagganap sa “Twilight Saga” movies kung saan nauwi sa real life romantic relationship ang samahan nila ng co-star na si Robert Pattinson.

Kristen Stewart 4

Exciting din naman ang career ni Pattison kung saan siya ang gaganap bilang bagong Batman.

Papalitan ng 34-year-old actor si Ben Affleck na nagretiro sa pagganap bilang Bruce Wayne sa pinakahuling Batman movie noong 2017. (abcnews)