Ibinabala ng grupo ng mga magsasaka ang posibilidad na maulit ang krisis sa bigas noong 2018 dahil pareho aniya ang scenario na nararanasan ngayon sa pagtaas ng presyo ng bigas at posibleng kakulangan.
Ayon kay Federation of Free Farmers (FFF) national manager Raul Montemayor na bagamat sapat ang bigas sa bansa hanggang Hunyo, maaaring maranasan ang kakulangan sa suplay ng pagkain sa lean months o wet season mula Hunyo hanggang Setyembre ng kasalukuyang taon.
Inalala ng grupo na noong 2018, puamo sa P45 kada kilo ang regular rice dahil sa krisis sa bigas. Ang sitwasyon noong 2018 ay kapareho aniya ngayon at noong panahon na yun ay mayroon pang authority ang National Food Authority (NFA) na mag-angkat ng bigas hindi tulad ngayon.
Dahil sa ilalim ng Rice Tarrification Act, tinanggalan ng kapangyarihan ang NFA na mag-angkat.
Sa nangyaring krisis din noong 2018, pila-pila ang mga Pilipino para makakuha ng NFA rice na nirrasyon sa murang presyo.
Kaugnay nito, nananawagan ang grupo sa pamahalaan na huwag hayaang maulit ang naranasang krisis nang nagdaang administrasyon.
Ibinabala pa ng grupo ang pananamanala ng mga horader sa sitwasyon kung mangyayari ang rice crisis.