Kasalukuyan nang nasa bakasyon si Kris Aquino, isang araw bago ang kanyang 49th birthday na kasabay din ng Araw ng mga Puso bukas.

Sa huling online post nito, nakasaad na regalo ng dating presidential sister sa kanyang sarili ang aniya’y mahabang “wellness birthday retreat.”

-- Advertisement --

Nais daw sana niyang mapag-isa sa target na “nature walks,” yoga, at aqua theraphy, pero sinamahan ng kanyang assistant sakaling may mangyaring emergency.

Kung maaalala, naging isyu ng “Queen of All Media” ang kanyang kalusugan na kanya raw pagtutuunan ng pansin para sa dalawang anak.