Mistulang apektado si Kris Aquino sa pagbida ni Mariel Rodriguez-Padilla sa dinaluhang private appreciation dinner para sa celebrity supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang nitong Martes.

Ito’y matapos magkomento si Kris sa online post ng kapwa TV host kung saan nahihiya raw siya na hindi man lang naimbita si Mariel noong nakaupo pa ang kanyang kapatid na si former President Noynoy Aquino sa Palasyo.

Sa kuwento ni Mariel, hindi si Pangulong Duterte ang unang presidential candidate na ikinampanya niya ngunit ito lamang ang nag-imbita sa kanya sa Palasyo.

“Hi Ma… it’s those human gestures of saying THANK YOU that matter… Nahiya ako that hindi ka na invite for a proper thank you celebration (i am keeping my fingers crossed at some point you did receive flowers?)” bahagi ng reaksyon ng dating presidential sister.

Nabunyag din ang parehong karanasan nina Mariel at Kris hinggil sa tamang pagsusuot ng business attire sa mga corporate event.

“Truly a memorable evening!!! Big big thanks to Senatorial Candidate Bong Go for making the evening possible. (side kwento I didn’t know hindi pala pwede naka sleeveless… i had to cover my beautiful Carolina Herrera dress hehe buti na lang may blazer sa car),” dagdag ng misis ni Binoe.

Sa panig ng tinaguriang Queen of All Media: “On a side note- may funny kwento ako- there was a lunch for an ASEAN head of state- and invitation said business attire. Napagalitan ako because i think i wore a skin baring outfit- nasabihan ako na, didn’t you read na “business attire”?

Ilan sa mga dumalo sa okasyon ang asawa ni Mariel na si Robin Padilla, mag-asawang Liza Diño at Ice Seguerra, Toni Gonzaga at Paul Soriano, Ruffa Gutierrez at inang si Annabelle Rama, Aiko Melendez, Phillip Salvador, Jimmy Bondoc, Luke Mejares, Arnell Ignacio, Vivian Velez, Richard Gomez, Bayani Agbayani, Gretchen Ho, Ai-Ai delas Alas, at iba pa.

JLoyd with Andanar
(C) Communications Sec. Martin Andanar Facebook

Naging agaw-pansin din si John Lloyd Cruz na unang naiulat na magbabalik sa showbiz matapos ang ilang taong pamamahinga sa gitna ng pagiging abala kay Ellen Adarna at umano’y kanilang first baby.