-- Advertisements --
Pinasalamatan ni Kris Aquino ang grupo ng mga doctor niya dahil sa pagbuti na ng kaniyang kalusugan.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng larawan ng pasasalamat sa mga doctor sa pangunguna ni Dr. Sudhir Gupta at anak na si Dr. Malika Gupta, Dr. Yaqoot Khan, at Dr. John Belperio.
Sinabi nito na marami itong limitasyon sa mga gamot dahil sa kaniyang allergies at adverse reactions subalit nagawan nila ito ng paraan at naibalik ang kaniyang kalusugan.
Makailang beses na rin itong nagsagawa ng pagsusuri sa kaniyang sakit at sa una ay nagdalawang isip pa ito sa nasabing mga doctor.
Sa huling bahagi ng kaniyang post ay pinasalamatan niya ang kaniyang mga fans na nagpaabot ng pagdarasal para sa mabilisang paggaling niya.