-- Advertisements --
Pinasalamatan ni Kris Aquino ang mga supporters at fans nito na patuloy na nagdarasal para sa agarang paggaling nito.
Sa social media account nito ay nagpost siya ng update ng kaniyang kalusugan.
Ipinoproseso na rin niya ang ilang dokumento para mapalawig ang pananatili niya sa pagamutan.
Dalawa kasi sa apat na diagnosed autoimmune na sakit ay may malaking banta sa buhay kaya patuloy ang pagpapagamot niya sa US.
Nagpost din ito ng larawan kasama ang dalawang anak na sina Bimby at Josh.