-- Advertisements --

Ibinunyag ni Kris Aquino na sumailalim ito sa surgical procedure.

Dahil dito ay naging mas agresibo ang kaniyang medical team para mapanatili siyang buhay dahil sa 11 autoimmune disease na dumapo sa kaniya.

Sa kaniyang social media account ay ibinahagi ng TV-host/ actress ang larawan habang ito ay nasa pagamutan.

Hiniling nito sa mga doctors na dapat ay matapos ang kaniyang operasyon bago ang Agosto 21 ang petsa ng death anibersaryo ng ama nitong si dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

Bagamat hindi na nito ipinaliwanag ang medical procedure na pinagdaanan niya ay sumailalim muli ito sa ibang procedure para mapalitan ang port-a-cath niya na isang device na inilalagay sa catheter para tumulong sa puso na magdala ng dugo sa mga ugat.

Dagdag pa nito na kaya siya lumalaban ay para sa kaniyang mga anak na sina Josh at Bimby.

Giit nito na matagal na siyang sumuko at patuloy lamang siyang lumalaban para sa dalawang anak.