-- Advertisements --

Pansamantalang nagpaalam sa kaniyang mga fans at followers sa social media si Kris Aquino na hindi ito magiging aktibo sa ilang mga araw o taon.

Sa kaniyang social media ay sinabi nito na nadagnosed siya ng kakaibang sakit.

Kasalukuyang nasa US kasi ito para magpagamot matapos na ma-diagnosed ng Eosinophilic Granulomatosis with Polyangiitis (EGPA) o isang sakit na nagdulot ng pamamaga ng isang uri ng cells.

Ibinahagi nito ang paliwanag ng kaniyang docto na ri Niño Gavino na isang Filipino-American doctor na nakabase sa Houston.

Magiging crucial umano para sa actress ang 9 hanggang isang taon para ito ay maka-suvive.

Nabigyan na rin aniya siya ng steroid noong Mayo 6 subalit nagkaroon ng allergic reaction sa katawan.

Pinasalamatan nito ang mga fans na nagpaabot ng pagdarasal para sa agaran niyang paggaling at umaasang makayanan ng kaniyang katawan.