-- Advertisements --

Ibinahagi ni Kris Aquino ang labis na sakit na kaniyang nararanasan matapos na ito ay sumailalim sa bone marrow aspiration procedure.

Sa kaniyang social media ay sinabi ng tv host-actress na mayroon din itong erosive gastritis at gastric ulcer.

Nag-share din ito ng larawan na kasama ang dalawang anak pagkatapos ang ginawang pagsusuri sa kaniya sa isang pagamutan.

Dagdag pa nito na kailangan pa niyang sumailalim sa biopsy matapos ang pagkuha ng bahagi ng kaniyang bone marrow fluid.

Sa mga pinagdaanan aniya ay nagpapasalamat pa rin ito dahil sa wala siyang tumor o cancer.

Tiniyak naman nito na susundin niya ang mga payo ng kaniyang doctor.

Nauna rito nakatakda siyang magtungo sa ibang bansa para doon magpagamot ng kaniyang sakit.