-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Kinondena ni Fr. Angel Buenavides ng Diocese of Marbel na mayroon pa ring mga taong nananamantala sa panahon ng krisis dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Kaugnay nito, nagbabala si Fr. Buenavides sa publiko laban sa isang nagpakilalang Marlo Quirante na umano’y seminarista.

Humihingi umano ito ng salapi bilang donasyon gamit ang pangalan ng mga pari matapos nitong tawagan ang kanyang mga magiging biktima.

Hinihikayat pa aniya ng taong ito na tumulong sa mga residenteng apektado ng enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.

Kaagad ding pinabulaanan ni Fr. Buenavides na kilala nito ang naturang lalaki at iginiit na dumadaan sa tamang proseso ang lahat kung mayroon mang matatanggap na tulong o ano mang donasyon ang simbahan mula sa publiko.