Binulabog ng kontrobersiyal na reality star na si Kourtney Kardashian ang social media nang ilunsad niya ang kanyang lifestyle website na sinabayan pa ng topless na larawan.

Inilagay kasi niya sa larawan sa Instagram ang imahe na topless at tanging naka-underwear lamang.

“We’re live. #pooshtheboundaries,” ani Kardashian sa kontrobersiyal na captioned photo.

Sinabi ng 39-anyos na ina ng tatlong mga anak, inilunsad niya ang bagong website na Poosh dahil sa paniwalang may kulang daw ngayon sa mga lifestyle space.

Kabilang daw sa bagong website ng isa sa star ng “Keeping Up with the Kardashians” ay ukol sa “health and wellness, life and style, home and entertaining, blog posts and recipes.”

Nakapaloob din sa blogs ang may titulong “How to Look Good Naked” at “Must-Haves for a Relaxing Night In.”

Kourtney Kardashian (photo from @kourtneykardash)

“I decided to launch Poosh because I felt that there was something missing in the healthy lifestyle space. Healthy living gets a bad rap; it’s as though if you care about what you put in – or on – your body, then you’re not sexy or cool. But this just isn’t true, and Poosh is here to prove just that.”