Hinikayat ni Sen. Bong Go ang publiko na huwag mag-atubiling isumbong ang mga anomalya ng otoridad lalo na kung may kinalaman sa pagbili o pagbenta ng medical supplies at equipment sa gitna ng paglaban ng gobyerno sa COVID-19 outbreak.
“Hinihimok ko ang bawat Pilipino na magsumbong kung may nakikitang korapsyong ginagawa ang mga opisyal o pribadong kompanya,” ani Sen. Go.
Sinabi ni Sen. Go, sa panahon ng krisis, bawat piso ay mahalaga lalo na limitado ang resources ng gobyerno at maraming kababayan ang nawalan ng trabaho, kabuhayan at ipon.
Ayon kay Sen. Go, kung may nalalaman ang sino man na mga abusadong mga indibidwal sa gobyerno o sa pribadong sektor, huwag matakot magsumbong sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Tiniyak ni Sen. Go na siya mismo ang magbubulong ng hinaing kay Pangulong Duterte at sisiguraduhing mapoprotektahan ang magsusumbong basta magsabi lang ng totoo.
“Handa tayong mag-conduct ng investigation on all of these alleged overpriced medical supplies, equipment and packages, including the COVID-19 test kits.”