-- Advertisements --
Pinanigan ng korte sa China si basketball legend Michael Jordan sa iligal na paggamit ng kaniyang pangalan ng isang sports brand.
Umabot sa walong taon bago tuluyang ilabas ng korte suprema sa China na iligal ang ginawa ng Chinese sportswear na gamitin ang pangalan ng Chicago Bulls star.
Nakasaad sa kautusan ng korte na bawal ng gamitin ng Fujian-based Qiaodan Sports ang Qiao Dan ang isinalin sa Chinese na salitang Jordan.
Pinayagan naman ng korte ang paggamit ng logo na kahalintulad ng ‘Jumpman’ logo na ginamit ng Nike para maipromote ang ‘Air Jordan’ sports shoes.