Panibagong panalo na naman ang nakamit ng mga LGBT workers at kanilang mga ka-alyado matapos ihayag ng US Supreme Court ang kanilang desisyon hinggil sa karapatan ng LGBT community sa bansa.

Ayon sa Korte Suprema, mahigpit na ipinagbabawal sa federal law ng Amerika ang diskriminasyon base sa kasarian ng isang indibidwal lalo na ang pagtatanggal sa kanilang trabaho .

Giit naman ng mga abogado ng iba’t ibang employers na hindi partikular na nakalagay sa 1964 Civil Rights Act na sakop nito ang mga kaso tungkol sa sexual orinetation o pagiging transgender ng isang empleyado. Bagay na sinuportahan ng Trump Administration.

Ipinagbabawal kasi sa Title VII ng Civil Rights Act of 1964 na maging basehan ng diskriminasyon ang kasarian, lahi, national origin at rehiyon ng isang empleyado.