Pinagtibay ng Korte Suprema ang ruling na naggarantiya ng piyansa kay pork barrel queen Janet Lim Napoles sa kaniyang plunder case may kinalaman sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.
Sa isang resolution, ibinasura ng SC third division ang petisyon na inihain ng Office of the Special Prosecutor ng Office of the Ombudsman na humahamon sa resolution ng Sandiganbayan na pumayag na makapaglagak ng piyansa sina Napoles at dating Masbate Representative Rizalina Seachon-Lanete.
Sa kabila nito, nananatili naman si Napoles sa kulungan dahil isinisilbi nito ang taon ng pagkakakulong para sa iba pang kaso nito kaugnay sa PDAF.
Nanindigan ang Korte Suprema na nabigo ang Office of the Special Prosecutor na patunayan na mayroong evident guilt o great presumption of guilt para tanggihang makapagpiyansa sina Napoles at Lanete.
Nabigo din ang SC na magpresenta ng ebidensiya para patunayan na naabot ang threshold amount na P50 million sa ill-gotten wealth para sa plunder cases,
Inisyal kasing inakusahan si Napoles na nagbulsa umano ito ng P64 million subalit hindi isinama ng Sandiganbayan ang ilang daily disbursement records dahil natuklasan na irrelevant bilang ebidensiya.
Sa kasalukuyan, nakadetine si Napoles sa Correctional Institution for Women.
Matatandaan, nahatulang guilty si Napoles noong 2018 kaugnay sa misuse ng PDAF allocations ni Sen. Bong Revilla.