Tiniyak ni Akbayan Partylist Representative Perci Cendaña na muli nilang isusulong sa 20th Congress ang P200 legislated wage bill.
Pahayag ito ni Cendaña hinggil sa naging kawalan ng aksyon ng Senado sa nasabing panukala sa kabila ng sapat na panahon at pagkakataon para i-adopt ang bersyon ng Kamara para mapabilis ang pagpasa sa panukala.
Dagdag pa nito kailangan ang ito dahil walang tigil ang pagtaas ng presyo ng bilihin.
Ayon sa kongresista, kung seryoso aniya ang Senado sa pagtataas ng sahod ng mga manggagawa, dapat ay agad nilang in-adopt ang House version na 200 pesos na umento lalo’t kaunting hakbang na lang sana ay maisusumite na sa Malacañang para mapirmahan.
Bukod dito, binatikos ng kongresista ang LEDAC na pinamumunuan ni Pangulong Bongbong Marcos dahil umano sa kabiguan na sertipikahan bilang urgent ang panukalang batas.
Kasabay nito, kinuwestyon ni Cendaña ang economic priorities ng administrasyong Marcos at ang pananahimik sa isyu sa mga manggagawa.
Sa halip na suportahan ang 200 pesos na wage hike ay mas isinulong umano ng Senado ang 100 pesos na lubhang kulang.