Inatasan ng Korte Suprema ang ilang mga ahensiya ng gobyerno na dumalo sa oral arguments ukol sa nagaganap na polusyon sa Manila Bay.
Naglabas ng resolusyon ang High Tribunal sa isinagawang en banc session na isasagawa ang oral arguments sa darating na Setyembre 30.
Nagbunsod ang nasabing resolusyon matapos ang reklamo ng Metropolitan Manila Development Authority at iba pa bilang petitioners. laban sa Concerned Residents ng Manila Bay at iba pa bilang respondents habang ang Akbayan Citizens’ Action Party ay isang intervenor.
Ang mga concerned agencies ay inatasan na magsagawa ng report ukol sa mga sumusunod gaya ng pagsukat sa laki ng polusyon sa Manila Bay.
Kasama rin dito ang mga kasalukuyang nagaganap na reclamation at ang epekto nito sa pollution.
Ang mga ahensiyang nasa listahan ay kinabibilangan ng Department of Environment and Natural Resources, Department of Education, Department of Health, Department of Agriculture, Department of Public Works and Highways, Department of Budget and Management, Philippine Coast Guard, Philippine National Police Maritime Group, Department of the Interior and Local Government, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, at Metropolitan Waterworks and Sewerage System.