-- Advertisements --
Pinalawig pa military-run court ng Myanmar sa pitong taon na pagkakulong ang dating lider nila na si Aung San Suu Kyi.
Ito na ang itinturing na panghuling hatol laban sa 77-anyos na lider dahil na nahaharap sa kasong kurapsyon.
Napatunayan kasi ng korte na guilty si Suu Kyi dahil sa pagbili, pagpapaayos at pagpaparenta ng helicopter na ginagamit tuwing mayroong kalamidad at pag-rescue at emergencies.
Sa kabuuan ay makukulong ito ng 33 taon kabilang ang tatlong taon na hard labor.
Una siyang hinatulan ng ilang kaso gaya ng pandaraya sa halalan at pagtanggap ng lagay.