Pinagbawalan ng korte sa Australia ang pagsasagawa ng Black Lives Matter protest dahil sa banta ng pagdami ng coronavirus.

Ang nasabing kautusan ay hiniling mismo ng mga kasapi ng New South Wales (NSW) Pollice.

Ilang libong katao kasi ang inaasahan na dadalo sa kilos protesta na gagawin ngayong weekend bilang pagkondina sa nangyayaring racial discrimination sa US.

Tiniyak naman ng organizer na ipagpapatuloy nila ang nasabing kilos protesta.

Ayon kay Justice Desmond Fagan, na marami ang gumawa ng paraan para labanan ang sakit kaya dapat hindi ito hayaan na muling tumaas ang kaso.

Umabot kasi sa mahigit 7,200 ang kaso ng coronavirus sa nasabing bansa at noong April ay wala ng masyadong naitatalang kaso ng coronavirus sa bansa.