-- Advertisements --

Naglaan ang judge sa Georgia ng $200,000 na bail bond par sa election interference case ni dating US President Donald Trump.

Binigyan si Trump at 18 co-defendents nito ng hanggang Biyernes na sumuko sa korte sa Atlanta.

Nakasaad sa bail na maaring makalaya pansamantala si Trump habang dinidinig ang kaso basta hindi ito magtatangkang takutin ang mga saksi sa kaso nito.

Una ng itinanggi ni Trump ang 13 mga kaso laban sa kaniya kabilang ang racketeering at false statement.

Pinagbabawalan si Trump na gumawa ng anumang krimen at maari lamang siyang makipag-ugnayan sa mga co-defendent niya kapag may presensiya ng mga abogado.

Naglagay na ng mga barikada sa paligid ng korte sa inaasahang pagsuko ni Trump ngayong linggo.