-- Advertisements --
Nagsasagawa na ng follow-up operations ang mga kapulisan sa Quezon City sa naganap na pagsabog sa isang Korean restaurant madaling araw nitong Huwebes.
Pasado 12:40 ng madaling araw ng nakarinig ng pagsabog ang Quezon City anti-crime volunteers sa nasabing establishimento na matatagpuan sa Scout Tuason St.
Sinasabing isang lalaki na nakasuot ng itim na t-shirts, maong pants at sumbrero ang naghagis ng explosive device na nakalagay pa sa paper bag.
Wala namang naitala ang mga kapulisan na nasugatan sa nasabing insidente.