-- Advertisements --
image 560

Nag-alok ang nangungunang Korean shipbuilding firm na na tulungan ang Pilipinas na palakasin ang maritime defense capabilities sa pamamagitan ng cutting-edge submarine.

Ang Hanwha Ocean, dating kilala bilang Daewoo Shipbuilding and Marine Engineer (DSME), ay iminungkahi na ibigay sa bansa ang Jangbogo-3 PN Submarine bilang bahagi ng panukala ng Submarine Acquisition Project ng kumpanya para sa Philippine Navy.

Ang mga kinatawan ng nasabing kumpanya, na kamakailan ay nagsagawa ng courtesy call kay Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Chairman at Administrator Jonathan Tan, ay nagsabi na ang Jangbogo-3 ay tumutulong na mapanatili ang tagumpay ng Republic of Korea Navy (ROKN) sa pamamagitan ng paghahatid ng isang napatunayang plataporma para sa walang kapantay na operasyon.

Ang advanced na submarine ay nilagyan ng pinakabagong propulsion system, Sonar at Combat Management System, at lithium-ion battery technology.

Titiyakin nito ang pinahusay na kakayahan ng Pilipinas sa depensa para pangalagaan ang soberanya at estratehikong interes sa maritime industry.

Una na rito, ang Jangbogo-3 PN ay may surface displacement na 2,800 na tonelada, kabuuang haba na 77 metro at lapad na 9.7 metro.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang naturang kumpanya sa Ph Navy upang talakayin ang proposal ukol sa submarine.