-- Advertisements --

Kinumpirma ng Board of Investments (BOI) na ang kompaniyang Daesang Philippines, Inc. ay magbubuhos ng P756.24 million na proyekto na siyang magbebenipisyo sa mga local cassava farmers.

Ang Korean company ay magtatayo ng tapioca starch manufacturing facility sa Tagoloan, Misamis Oriental, na magsisimula ng operasyon sa January 2023.

Ang tapioca ay nakukuhang bilang extract mula sa cassava roots.

Ang tapioca starch at modified starch ay ginagamit naman bilang raw materials para sa food and beverage industry.

Sa ngayon ginagamit na rin itong biodegradable plastic films, sa mga bote at medical devices at maging sa animal feeds.

Sinasabing kukuha umano ang kompaniya ng mga manggagawa na aabot sa 492 workers.

Ang pasilidad ay inaasahang makakapag-produce ng 33,000 tonelada ng tapioca starch at aabot sa 4,446 tonelada ng tapioca residue kada taon.

Ayon pa sa ulat ng Board of Investments sa pagdaan ng taon ang Daesang project ay tatas pa ang cassava starch production capacity sa Pilipinas ng hanggang 9 percent mula 370,000 metric tons hanggang 403,000 metric tons.

Ang naturang breakthrough project ay inaasahan din daw na makakatulong sa bahagi nang pag-modernize ng sektor ng agrikultura.