Malapit nang magdesisyon ang Ministry of National Defense ng Korea tungkol sa isyu ng militar service para sa mga miyembro ng K-pop group na BTS.
Ang defense minister na si Lee Jong-sup ay dumalo sa isang pagpupulong tungkol sa service militar para sa sa nasabing grupo.
Ayon kay Lee inutusan niya ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng public opinion o survey kung dapat bang bigyan ng military service exemption ang BTS.
Dagdag pa nila na gagawing isang maingat na desisyon ang sa isyu ng BTS at pagsasaalang-alang sa mga interes at iba’t ibang antas.
Para na rin raw maging isang daan ito na payagan silang umalis ng bansa at mag-perform anumang oras.
Ang desisyon na ito ay ilalabas din sa lalong madaling panahon.
Kung maalala sa South Korea may batas na dapat ang mga kalalakihan ay dumaan sa military service. (Bombo Merry Chill Emprido)