-- Advertisements --

Nagtipon sa Gyeongju ang mga kinatawan ng mga bansa sa 21 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) upang pagtibayin ang kooperasyong panrehiyon at palakasin ang inobasyon at konektividad.

Binuksan ni Minister Yeo Han-Koo ng Korea ang pulong sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kwento ng pag-angat ng ekonomiya ng Korea mula sa kahirapan tungo sa pagiging global trading powerhouse.

Binigyang-diin niya na ang bukas na kalakalan ay susi sa pagharap sa mga hamon ng makabagong panahon.

Kinilala ng mga ministro ang bigat ng papel ng APEC sa pandaigdigang ekonomiya, lalo na sa gitna ng pagbabago sa teknolohiya at demograpiya.

Inilunsad ni Yeo ang mga inisyatibang “AI for Trade” at “AI for Supply Chains” upang isulong ang digital trade at AI cooperation.

Ang pulong ay nagsilbing huling ministerial-level na aktibidad ng APEC host year ng Korea bago ang APEC Economic Leaders’ Meeting sa Oktubre 31 hanggang Nobyembre 1, 2025.