Tiniyak ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua kay Speaker Alan Peter Cayetano na handang makipagtulungan ang China sa lider ng Kamara.
Sa isang statement, sinabi ng Chinese Embassy na handang makatrabaho ng China si Speaker Cayetano para lalo pang mapalakas ang kooperasyon ng dalawang bansa patungo sa mas magandang bilateral relations.
“Ambassador Zhao extended his appreciation for the significant contribution that Hon. Speaker Cayetano has made to promoting China-Philippines relations, as an old and good friend of Chinese people,” bahagi ng statement ng Chinese Embassy.
Sinabi ni Ambassador Zhao na nangako na rin usi Cayetano na mahigpit nitong susundin ang isang “friendly policy” sa China at inaasahan ang mas magandang kooperasyon sa National People’s Congress of China.
Ito ay para na rin aniya sa pagpapabuti ng Comprehensive Strategic Cooperation ng relasyon ng Pilipinas at China.