-- Advertisements --
Nasa Canada na ngayon ang Myanmar beauty queen na nagpahayag ng pagkontra sa military sa kaniyang bansa.
Naging kontrobersyal si Han Lay sa ginawa nitong talumpati sa sinalihan niyang beauty pageant sa Thailand.
Dahil dito ay nanawagan siya na huwag ng pabalikin sa Myanmar at nanatili ng ilang araw sa Thailand.
Pagdating naman nito sa Canada, sinabi niya na ligtas na siya.
Maninirahan ang 23-anyos na si Thaw Nandar Aung sa tunay na buhay sa Prince Edward Island isang probinsiya sa Atlantic coast ng Canada.