Inaasahang sisimulan na sa Oktubre ngayong taon ang konstruksiyon ng North-South Commuter Railway sa Metro Manila ayon sa Philippine National Railways (PNR).
Inihayag ni PNR Chairman Michael Ted Macapagal na sa NCR, kaslaukuyang prinoproseso na ang fencing activities, ttrack removal at clearing operations.
Agad na aniyang sisimulan ang konstruksiyin sa oras na matapos na ang fencing at track removal activities sa Oktubre.
Matatandaan na noong Mayo 28, sinuspendi ang mga operasyon ng PNR sa Tutuban patungong Alabang para bigyang daan ang konstrucksiyon ng nasabing railway project sa NCR.
Kabilang dito ang konstruksiyon ng elevated at at-grade tracks at stations sa kahabaan ng Blumentritt sa Maynila hanggang Sucat sa ParaƱaque City.
Ang North-South Commuter Railway ay may habang 147 kilometers na may 37 istasyon na babagtas mula Clark Pampanga patungong Calamba Laguna at inaasahang makumpleto ito sa 2028.