Ipinagpaliban ni American pop singer Taylor Swift ang kaniyang konsiyerto sa Rio de Janeiro matapos na namatay ang isang fan nito dahil sa sobrang init ng panahon.
Pumalo kasi sa 59 degrees Celsius ang temperatura nitong Sabado sa nasabing lugar.
Sa unang gabi ng concert ni Swift nitong Biyernes ay isang 23-anyos na fan nito ang nasawi.
Sa social media account ng singer ay isinagawa ang anunsiyo.
Dagdag pa nito na isinaalang-alang lamang niya ang kaligtasan ng kaniyang mga fans kaya nagdesisyon itong pansamantalang kanselahin ang konsiyerto.
Iaanunsiyo aniya nito sa mga susunod na araw kung kailang ipagpapatuloy ang nasabing konsiyerto.
Pinuna ng mga otoridad ang organizers dahil sa pinagbawalan ang mga fans na magdala ng tubig sa venue na siyang maaring sanhi ng pagkasawi ng biktima.