CEBU CITY – Patay ang isang konsehal matapos barilin ng hindi pa nakikilalang mga suspect sa Sitio Tab-ang, Purok Saging, Barangay Ilaya sa baya ng Ronda, probinsya ng Cebu.

Kinilala ng pulisya ang nasawing konsehal na si Ramil Abueva.

Batay sa paunang imbestigasyon ng puliysa, galing daw ang konsehal sa palengke ng at pauwi na sana sakay ng kanyang motorsiklo nang bigla itong binaril ng mga hindi pa nakikilalaang mga suspek.

Nagpapatuloy naman sa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang krimen.