-- Advertisements --
Nagpanawagan ng isang kongresista sa publiko kaugnay sa nangyayaring katiwalian sa Philhealth na kinasasakungtan ng matataas na opisyal nito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay Cavite Rep. Elpidio Barzaga, hinikayat nito ang mga miyembro ng Philhealth na patuloy pa ring maghulog sa kanilang buwanang kontribusyon.
Paliwanag ni Barzaga, kapag hindi na itunuloy ng ating mga kababayan ang kanilang kontribusyon ay maaapektuhan ang mga mahihirap na mamamayan.
Posible umanong hindi na makapagpagamot ang mga mahihirap dahil wala nang pagkukuhanan ng pondo ang gobyerno.
Kasabay nito, tiniyak ni Barzaga na gagawin nila ang lahat para mapanagot ang mga tiwaling opisyal at empleyado ng Philhealth na nagbulsa ng pera ng mga miyembro ng Philhealth.