Naniniwala si House Committee on Overseas Workers Affairs senior vice chairman Eric Pineda na dapat total deployment ban ang ipinatupad ng Pilipinas sa Kuwait kasunod ng pagkakapaslang sa Filipina domestic worker na si Jeanlyn Villavende.
Sa isang panayam, sinabi ni Pineda, na siyang chairman ng House Committee on Labor and Employment, ang total deployment ban ay siyang mag-uudyok sa Kuwati government na na tuparin ang kasunduan sa gobyerno ng Pilipinas na protekatahan ang kapakanan ng mga overseas Filipino workers (OFWs).
Mayo 11, 2018 nang lumagda ang Pilipinas at Kuwait sa isang kasunduan na bigyan ng karampatang proteksyon ang kalagayan ng mga OFWs sa naturang Middle Eastern state kasunod nang pagkakapaslang sa domestic helper na si Joanna Demafelis.
Kabilang sa mga probisyon sa naturang kasunduan ay dapat bigyan ng isang araw na pahinga at pitong oras na tulog kada araw ang mga OFWs.
Nakasaad din dito na hindi maaring kunin ng mga employers ang pasaporte ng kanilang mga empleyado.
Pero naniniwala si Pineda na ang tanging paraan upang maiwasan ang pag-abuso sa mga OFWs ay ipagbawal na ang kanilang deployment sa naturang mga bansa.