-- Advertisements --

LAOAG CITY – Samu’t-saring reaksyon mula sa publiko ang natatanggap nina Ilocos Norte 1st District Rep. Ria Fariñas at dating Laoag City Mayor Chevylle Fariñas habang nasa nasusunog na malaking shopping center sa lungsod.

Karamihan ay hindi nagustuhan ang pag-akyat ng dalawang Fariñas sa tanker ng fire truck sa gitna ng pag-apula ng apoy.

laoag firetruck mall farinas

Mayroong nagsabi na “pabibo” ang mga ito dahil malapit na ang eleksyon gayong hindi rin naman sila nakakatulong sa emergency.

Binatikos din ang mga ito dahil sa posibleng pagkakapahamak nila lalo’t walang training gaya na lamang na hindi pagsusuot na protective gear kompara sa mga abalang bombero.

Kahapon nang nasunog ang bodega ng malaking shopping center sa Laoag City na nagsimula pasado alas-7:00 ng umaga at naideklarang fire out bandang alas-5:00 na ng hapon.

Nagsimula na rin ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa nangyaring sunog habang wala pang komento ang may-ari ng nasabing negosyo.