Isiniwalat ng Russia ang kanilang kondisyon hinggil sa paggamit ng nuclear weapons sa kabila ng kakulangan ng progreso sa pakikipag-usap nito sa Estados Unidos.

Ito’s matapo aprubahan ni Russia President Vladimir Putin ang nuclear deterrent policy ng naturang bansa kung saan nakalista rito ang apat na kondisyon.

Kinakailangang magkaroon ng maaasahan na impormasyon tungkol sa paglulunsad ng ballistic missiles na target ang Russia at iba pang bansa na ka-alyado nito

Ikalawa, ang kawalan ng kakayahan ng military facilities na posibleng magresulta sa palpak na retaliatory nuclear attack.

Una rito ay pinirmahan ng Amerika at Russia ang New START Treay na magiging daan para mabawasan ang nuclear warheads, intercontinental ballistic missiles at iba pang armas.

Mapapaso sa Pebrero sa susunod na taon ang naturang kasunduan ngunit napag-uusapan na umano ng dalawang panig ang extension ng kasunduan.