-- Advertisements --
Tuloy-tuloy daw ang pakikipag-ugnayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Philippine Embassy sa Peru para sa sitwasyon ng mga Pinoy na naiipit doon matapos sumiklab ang kaguhuhan.
Hanggang sa ngayon daw kasi ay tatlong Pilipino pa rin ang stranded sa nasabing bansa sa harap ng kaguluhan doon.
Ayon sa DFA, ang 24-year old Pinoy backpacker ay ilang araw nang stranded dahil sa pagsasara ng ilang airport sa Peru.
Habang ang Pinoy tourist mula sa Dubai na kasama sa tour group at stranded sa Inca Trail ay naghihintay na lamang ng flight mula Cusco patungong Lima.
Ang Pinoy captain naman na stranded sa Arequipa ay naka-ugnayan na ng Philippine Embassy at may scheduled flight na rin sa December 21.