Ipinaliwanag ni Heart Evangelista ang mga komento tungkol sa kanyang “Sad Eyes” sa kamakailang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na naganap noong Hulyo 28.
Aniya ni Heart malungkot siya dahil sa kalagayan ng kanyang mga alagang aso na sina Panda at Pochi, na noong araw na ‘yon ay nasa ospital.
Sa isang Instagram post, inamin ni Evangelista na wala siya sa kondisyon dahil sa kalusugan ng kanyang mga alaga.
“I felt very sad this day. My Panda and Pochi are in the hospital,” ani Evangelista.
Umaasa naman si Heart na makakauwi ang mga ito sa loob ng isang linggo. Marami sa kanyang mga tagasubaybay ang nagbigay ng kanilang suporta at pagbati para sa mabilis na paggaling ng kanyang mga alaga.
Magugunitang kasama ni Heart sa SONA ang kanyang asawa na si Senate President Chiz Escudero, at kanilang mga anak na sina Quino at Chesi.