-- Advertisements --
Pumanaw na ang komedyanteng si Doughlas Arthur Supnet o kilalal bilang si “Kuhol” sa edad na 66.
Kinumpirma ito ng kaniyang kapatid na babaeng si Carol.
Sa social media account nito ay nagpost ng larawan ng namayapang kapatid kasama na ang detalye ng nasabing burol.
Hindi na rin ito nagbigay ng dahilan ng kamatayan ng kapatid.
Nakaburol ang komedyante sa Ascension of Our Lord Parish sa Quezon City mula Disyembre 23 hanggang 26.
Nakilala ang komedyante sa pagiging sidekicks sa mga pelikula at telebisyon noong 1990 at 2000.
Ilan sa mga pelikula kung saan ito kasama ay ang “Juan Tamad”, “Mr. Shooli: Mongolian Barbecue” at maraming iba pa.
















