Nagkaroon umano ng kasunduan si Kobe at asawang si Vanessa Bryant pagdating sa pagsakay sa helicopter.

Lumabas ang nasabing impormasyon sa gitna ng pananahimik pa ni Vanessa, isang araw matapos ang trahedya kung saan nasawi sa helicopter crash si Kobe at 13-anyos nilang anak na si Gianni.

Patungo sana ang mag-ama sa isang youth basketball game kasama ang pitong iba pa, na pawang patay din sa aksidente. Ito ay ang teammate ni Gianna sa basketball team, magulang ng naturang teammate, Fil-Am coach, at ang piloto.

“He and Vanessa had a deal that they would never fly on a helicopter together,” saad umano ng source.

Dagdag pa rito na sumasakay lamang si Kobe sa helicopter kapag ang piloto ay si Ara Zobayan na kabilang din sa mga namatay.

Kobe and Vanessa

Una nang ibinahagi ni Kobe sa mga dating panayam na nagsimula niyang piliin na sumakay sa helicopter noong naglalaro pa para sa Los Angeles Lakers upang mabilis itong makauwi sa pamilya.

Nabatid na naulila ng 41-year-old retired basketball star ang kanyang 37-year-old wife of almost two decades, at tatlo pang anak na sina Natalia, 17; Bianka, 3; at seven-month-old pa lamang na si Capri.

“I was sitting in traffic and I wound up missing like a school play. I had to figure out a way where I could still train and focus on the craft but still not compromise family time. So that’s when I looked into helicopters, to be able to get down and back in 15 minutes and that’s when it started,” saad nito sa interview ni Alex Rodriguez noong 2018. (People)