-- Advertisements --

Pawang mga Eastern Conference playoffs first round ang mga larong matutunghayan ngayong araw sa NBA.

Desidido ang New York Knicks na tapusin na nila ang first round playoffs nila ng Philadelphia 76ers.

Ito ay matapos na hawak nila ang 3-1 na kalamangan at sa homecourt ng Knicks gaganapin ang Game 5.

May adjustments na rin silang ginawa ngayon lalo na at hindi makakapaglaro si New York veteran Bojan Bogdanovic dahil sa injury.

Sa panig ng Sixers ay inaasahan na bubuhatin sila ni Joel Embiid at Tyerese Maxey na kapwa nakapagtala ng double-double scores noong Game 4.

Maraming basketball experts ang hindi matukoy sa pagitan ng Orlando Magic at Cleveland Cavaliers kung sino sa dalawa ang aabanse sa semifinals dahil sa parehas na nasa 2-2 ang serye.

Noong Game 1 at Game 2 kasi ay nakuha ng Cavs ang dalawang panalo sa kanilang homecourt ganun din ang ginaw ng Magic sa Game 3 at 4 na tinambakan nila ang Cleveland.

Bentahe lamang ngayon ng Orlando ay wala silang manlalaro na nasa injury list kumpara sa Cavs na mayroong apat na manlalaro na sina Jarrett Allen, Ty Jerome, Craig Porter Jr at Dean Wade.

Sa huling laro naman ay desidido ang Indiana Pacers na tapusin na ang first round playoff series nila ng Milwaukee Bucks.

Hawak kasi ng Pacers ang 3-1 na kalamangan at kahit na sa homecourt ng Bucks gaganapin ang Game 5 ay hindi sila nababahala.

Bagamat kuwestiyonable pa rin ang status ni Pacers star guard Tyrese Haliburton dahil sa back injury ay nakahanda naman ang ilang manlalaro nila para tumayo at gampanan ang papel nito at isa na dito si Pascal Siakam.

Sasamantalahin kasi ng Pacers ang kawalan ng star players ng Bucks na sina Damian Lillard na may right Achilles tendinitis at Giannis Antetokounmpo na may left calf strain.

Bukod sa dalawang manlalaro ay
kuwestiyonable rin ang paglalaro sa Game 5 ng mga manlalaro na sina Khris Middleton na may right ankle sprain at Patrick Beverley na may right oblique strain.