Magiging kaabang-abang pagsisimula ng second round Eastern Conference Playoff sa pagitan ng New York Knicks at Indiana Pacers.
Ito na ang pang-pitong pagkakataon na magkahrap ang dalawang koponan sa playoffs.
Unang nagharap ang dalawang koponan noong 1993 kung saan nagwagi ang Knicks 3-1 sa kanilang best-of-five first round playoffs sa nasabing laro ay nagkainitan sina Knicks star John Starks at Pacers star Reggie Miller kung na-eject si Starks dahil sa headbutt kay Miller.
Naulit ang paghaharap sa sumunod na taon na 1994 pero sa Eastern Conference Finals kung saan umabot sa Game 7 ang laro at naging bayani dito si Knicks star Patrick Ewing.
Sa sumunod na taon ay muling nagkaharap ang dalawa sa second round playoffs kung saan nakuha ng Pacers ang panalo sa Game 7.
Taong 1999 ng muling magkaharap ang dalawa sa Eastern Conference Finals kung saan nagwagi ang Knicks ay sila lamang sa kasaysayan na ang number 8 seeded na koponan na umabot sa NBA Finals.
Nakabawi ang Pacers sa taong 2000 ng talunin nila ang Knicks sa Eastern Conference Finals na siyang nagdala sa koponan sa kauna-unahang paglalaro ng Pacers sa Finals sa franchise history.
Huling nagharap ang dalawa ay noong 2013 sa semifinals ng Eastern Conference kung saan dinala ni rookie star ng Pacers na si Paul George ang koponan sa Eastern Conference Finals.