Sinuspendi ng provincial government ng ng Isabela ang klase sa lahat ng antas ng mga mag-aaral bukas, araw ng Lunes dahil sa super typhoon Karding.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gov. Rodolfo Albano ng Isabela na lahat ng antas o klase mula Kindergarten hanggang Kolehiyo sa mga pampublikong paaralan ay kanya nang sinuspendi.
Sa panig naman anya ng mga pribadong paaralan ay nasa kanilang discretion.
Pinasuspendi na rin ng punong lalawigan ang pasok ng mga kawani sa mga pampublikong tanggapan maliban na lamang sa mga frontline agencies na magmominitor sa bagyo.
Layunin anya ng suspension ng klase at mga trabaho sa pampublikong tanggapan ay upang maiwasan ang anumang aksidente na idudulot ng bagyo at para makapaghanda ang mga mamamayan.
Binigyang diin din ng Gobernador ang pagpapatupad ng liquor ban sa lalawigan.