KORONADAL CITY – Nagdeklara ng class suspension ang ilang bayan sa Rehiyon 12 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM dahil pa rin sa epekto ng masamang lagay ng panahon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Lake Sebu, South Cotabato Mayor Floro Gandam, kinailangan nilang magsuspinde ng klase sa elementarya at sekondarya sa pribado at pampublikong mga paaralan dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan mula pa nitong nakaraang gabi at ngayong araw.
Pahayag nito na kahit humina na ang ulan ay kailangan muna nilang magsagawa ng assessment upang maiwasang magkaroon ng danyos dahil landslide at flashflood prone area ang bayan ng Lake Sebu.
Samantala, nagsuspinde na rin ng klase mula pre-shool hanggang elementarya ang Cotabato City, Pigcawayan, North Cotabato; Sultan Kudarat, Maguindanao; at Datu Odin Sinsuat, Maguindanao dahil pa rin sa masamang lagay ng panahon.